Only When I Sleep

Nagkita tayo sa harap ng building na pinagtatrabahuhan mo. Sa may stage na kung saan may mga bikers at skaters na naglalaro, hinintay mo ang pagkatagal-tagal kong pagdating. Sorry ha? Naghugas pa kasi ako ng tambak na pinggan kaya natagalan ako. Sa malayo pa lang natanaw na kita. Tinatangay ng hangin yung fly-away na kulot mong buhok at yung mga mata mo namumungay sa nakakasilaw na liwanag ng dapit-hapon, para kang diwata nung time na yun. Habang nagliliparan ung mga rumarampang bikers at skaters sa gilid mo, nagtext ka. Tumunog ang cellphone ko, sayo galing yung text:

“Nasan ka na?

Hindi ako nagreply, instead lumakad ako palapit sayo. May pagka-ninja ata ako, hindi mo man lang napansin ang paglapit ko. Malapit na ko sayo, pipisilin ko sana yang pisnge mo nang bigla kang napatingin at nakita ako. Ngumiti ka, isang pagkalambing-lambing at matamis na ngiti na kumurot sa puso ko. Nasabi ko tuloy sa sarili ko:

"Sa wakas kaharap ko na yung diwata ng panaginip ko”

Magkaharap na tayong dalawa. Tumaas yung kilay mo at nagsalita ka:

“Bakit ang tagal mo”

“Kanina pa ako dito”, tugon ko

“Weee? Bakit hindi kita nakikita?”, sita mo

“Nasa malayo ako, pinagmamasdan kita..”, sabi ko

Ngumiti ka ulet. Langyang ngiti yan, lalo akong naiinlab sayo dahil jan. Yun talaga ang isang katangian ng mga babae na syang pinakamamahal ng todo ng mga lalaki. Ngumiti ka lang at buong mundo tumitigil para lang silayan yan. Parang kanta ni Bruno Mars lang eh noh? Totoo kasi yun. Nagsalita ka ulet:

“Kanina pa kaya ako dito..”

“Noon ka pa nandito..” salita ko

“Ha?”, nagtatakang tugon mo

“Noon ka pa nandito sa puso ko kako..” mahinang sabi ko pero narinig mo

Bigla kang nagblush at ngumiti ka ulet sabay iwas ng tingin. Nakatingin lang ako sayo, nag-iisip ng susunod kong hirit. Alam ko kinilig ka dun sa banat ko pero mas kinilig ata ako sa sobrang tamis ng moment. Ang pangit kong kiligin, mate-turnoff ka lang. Umihip ng marahan ang hangin at tinangay ang curly mong buhok. Anung shampoo gamit mo? Ang bango kasi ng buhok mo eh nakakaadik amuyin. Fly-away, ang kintab at sumusunod sa galaw mo. Mas maganda ka pa kay Kim Chiu promise, walang halong bola. Umupo ako sa tabi mo at bumulong:

“Sa wakas…”

Narinig mo pala yun. Tumingin ka sakin. Halatang puno ng curiosity ang mga mata mo:

“Sa wakas ano?”

“Wala lang..” sabi ko

Nasabi ko lang yun kasi sa wakas, nakaupo na ulet ako sa tabi mo. Yung feeling na nagawa mo na yung matagal mo ng gustong gawin. Nage-echo kasi sa tenga ko yung sinabi ng unggoy kong kaibigan na “Ulol mo hindi mo nga sya malapitan eh!”. Eto na yun, nakita na ulet kita. Kasama na kita. Katabi na kita. Palalampasin ko pa ba? Huminga ako ng malalim habang unti-unti kong inilalapit yung kamay ko sa kamay mo. Anu kaya magiging reaksyon mo? Babawiin mo ba agad ung kamay mo at lalayo ka sakin? Inaasahan ko yan. Hindi ko alam, nandito na to eh. Bahala na.

Muli kang tumingin sakin nung nakapatong na sa kamay mo yung kamay ko. Isa, dalawa, tatlong minuto na pero hindi ka pa din nagrereact. Naglakas loob ulet ako, this time hinawakan ko na yung kamay mo at sa pagkabigla ko, kumapit ka din:

“Ang lambot pala ng kamay mo..” marahan kong bulong sayo

Lalo akong nabigla nung umupo ka din sa tabi ko at sumandal sa balikat ko. Totoo ba to? Joke ba to? Anu ba to? Hindi ko to inaasahan. Sapat na sana sakin ang makita lang kita at masabi lang sayo kung gaano na kita namimiss. Masaya na ko na makasama ulit kta. Hindi na ko nageexpect pa ng kahit na ano. Masabi ko lang sayo na miss na miss na kita ok na ko dun. Dahan-dahan akong umakbay sayo at kinabig kita palapit sakin. Inamoy ko yung mabango mong buhok at ibinulong ko sayo:

“Mahal kita..”

Tumingin ka saken. Mapungay yung mga mata mo at yung ngiti sa labi mo para bang lalong naging mas malambing. Yakap-yakap na kita nun. Sumagot ka dun sa sinabi ko:

“Mahal din kita..”

Pagkatapos mong sambitin ang mga katagang iyon, tumunog ang alarm ng cellphone ko. Ala-sais na pala ng gabi kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Napasarap pala ako sa pag-tulog, ang lamig kasi eh.

Advertisements

About leanskieee

All around asshole
This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s