Thoughts

Hindi lang pala ako tamang-hinala gaya nung ni-describe ko dun sa nakaraan kong blog entry. Sobrang cynical ko din pala lalo na dun sa mga taong mapagpanggap. Oo, yung mga nagpo-post sa Facebook kung gaano kayo awang awang at ka-concern dun sa dalawang matandang may sakit at nakatira lang sa kariton; or kung paano nyo pinakain ng hapunan sa jollibee yung dalawang madusing na paslit na nagtrick or treat sa inyo nung halloween tas sabay selfie at post sa instagram na may caption na nakakainspire?

Iritang irita ako sa mga ganung tao.

Madami na talagang binago ang social media sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito, mas madali na nating naipapakalat ang mga bagay-bagay. Mas madali na itong nakakarating sa mga kinauukulan at sa mga taong may interes. Mas madali na ang palitan ng impormasyon, opinyon, kuro-kuro at kung ano pang mga kaisipan. Mas madali na din ang humingi at magbigay ng tulong para sa mga nangangailangan.

Naging mas madali na din ang magpakitang-tao at magbanal-banalan.

Sige na, righteous ka na. For sure madaming magla-like ng status mo na yan kasi alam nilang napakabait mong tao.

Pasensya na, pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi maging cynical sa mga ganyang tao. Naniniwala lang kasi ako sa aral na to:

Makatulog nga muna, may pasok pa ako mamaya.

Advertisements

About leanskieee

All around asshole
This entry was posted in Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s